Pink Gadgets

Monday, September 26, 2016

Malamig na Kulay at Mainit na Kulay (Cool and Warm Colors, Color Theory)


Ang kulay ay mahalagang elemento sa isang disenyo ng kahit anong bagay. Nagbibigay ito ng emosyon, pakiramdam at nakakapag-paalala ng mga nakalipas na karanasan. May kakayahan ang kulay na mag-bigay kasiyahan, may kakayahan din ang kulay na magbigay ng kapayapaan sa pakiramdam.

Madalas natin marinig ang mga salitang malamig na kulay at mainit na kulay sa larangan ng sining o pag-didisenyo, pero ano nga ba ang ibig sabihin ng mga ito? Ano-ano ang mga kulay na ito?


Mainit na Kulay

Ang mainit na kulay ay binubuo ng pula, kahel, dilaw at lahat ng kombinasyon ng kulay na mula sa tatlong ito. Ang mga kulay na ito ay madalas iugnay sa init o sikat ng araw.


Malamig na Kulay

Ang malamig na kulay ay binubuo ng bughaw, berde, lila at lahat ng kombinasyon ng kulay na mula sa tatlong kulay na mga ito. Ang malamig na kulay ay may kakayahang makapag-panatag ng pakiramdam at magbigay ng relaksasyon. Ang malamig na kulay ay nagpapaala sa atin ng tubig at langit

No comments:

Post a Comment