Pink Gadgets

Monday, September 26, 2016

Malamig na Kulay at Mainit na Kulay (Cool and Warm Colors, Color Theory)


Ang kulay ay mahalagang elemento sa isang disenyo ng kahit anong bagay. Nagbibigay ito ng emosyon, pakiramdam at nakakapag-paalala ng mga nakalipas na karanasan. May kakayahan ang kulay na mag-bigay kasiyahan, may kakayahan din ang kulay na magbigay ng kapayapaan sa pakiramdam.

Madalas natin marinig ang mga salitang malamig na kulay at mainit na kulay sa larangan ng sining o pag-didisenyo, pero ano nga ba ang ibig sabihin ng mga ito? Ano-ano ang mga kulay na ito?


Mainit na Kulay

Ang mainit na kulay ay binubuo ng pula, kahel, dilaw at lahat ng kombinasyon ng kulay na mula sa tatlong ito. Ang mga kulay na ito ay madalas iugnay sa init o sikat ng araw.


Malamig na Kulay

Ang malamig na kulay ay binubuo ng bughaw, berde, lila at lahat ng kombinasyon ng kulay na mula sa tatlong kulay na mga ito. Ang malamig na kulay ay may kakayahang makapag-panatag ng pakiramdam at magbigay ng relaksasyon. Ang malamig na kulay ay nagpapaala sa atin ng tubig at langit

Tagalog ng mga Kulay (Tagalog name of Colors)




Red- Pula

Blue- Bughaw o asul

Yellow- Dilaw

Violet- Lila

Green- Berde o Luntian o Dalandan

Orange- Kahel

Black- Itim

White- Puti

Brown- Kayumanggi o kulay-tsokolate

Maroon- Kulay-kastanyas

Grey- Kulay-Abo

Pink-  Kulay-Rosas

Silver- Pilak

Gold- Ginto


Kadalasan ang mga kulay sa salitang Tagalog ay hinahalintulad sa kulay ng kalikasan.
Halimbawa:

  • Ang SKY BLUE pag isinalin sa Tagalog ay "Kulay ng Langit"
  • Ang ORANGE ay sinasabing "Kulay Sikat ng Araw" o "kulay-ponkan"
  • Ang Brown ay tinatawag ding "kulay-tsokolate"  (chocolate colored)
  • Ang Green ay tinatawag din na "kulay-dahon"


Kapag PASTEL Colors naman ay idinadagdag ang salitang "malamlam" o maputla"
Halimbawa PASTEL PINK sa tagalog ito ay tinatawag na "malamlam na kulay rosas"

Sunday, September 25, 2016

Pangatlong Kulay o Tertiary Colors


Ang Pangatlong Kulay ay isang kulay na nabuo sa pamamagitan ng pag-sasama ng pangunahing kulay at pangalawang kulay.

Analogong Kulay

Analogous colors. Analogous colors are groups of three colors that are next to each other on the color wheel, with one being the dominant color, which tends to be a primary or secondary color, and a tertiary. Red, orange, and red-orange are examples.

Ang Analogong Kulay ay grupo ng tatlong kulay na magkakatabi sa gulong ng mga kulay, ito ay nag-lalaman ng isang dominanteng kulay, na maaring isa sa pangunahing kulay, pangalawang kulay, o pangatlong Kulay.

Halimabawa ay Pula, mapulang kahel at kahel,

Dilaw, madilaw na kahel at Kahel

Komplementaryong Kulay

Mayroong kulay na mga magkakatugma, magkakatambal, magkakaparehas o magkakaternong,o ang mga kulay na hindi naglalaban bagkus ay nagtutulungan - lalo na kung magkakatabi - ang mga ito.
 

Kung titingnan ang gulong ng mga kulay, ang mga magkakaternong kulay na ito ay yung mga tuwirang magkakaharap sa bawat isa.
Ito ang mga nagtutulungan o magkakaibigang pares ng mga kulay sapagkat kapwa pareho ang lakas nila kapag natingnan ng mga mata. Magkaka-akma ang mga kulay na ito.

Halimbawa: kung titingnan ang isang gulong ng mga kulay, hindi kinakalaban ng pula ang katumbas nitong berde, ang kakambal ng dilaw ay lila, habang katerno naman ng bughaw ang kahel.

Ipinapakita ng sumusunod na paglalarawan ang ugnayan ng mga magkakatugmang kulay:

Pula at Luntian
Pula at Berde

Dilaw at Lila
Berde at Lila

Bughaw at Kahel
Burhaw at Kahel